Wenceslao C. Arcuino Jr., (Region 8)


Si Ginoong Arcuino ay isang Arkitektong buo ang dedikasyon sa kanyang propesyon at taong may mabuting puso sapagkat sa kabila ng dami ng negatibong komento mula sa mga kasamahang Arkitekto ukolsa pagkakaloob niya ng libreng serbisyo para sa mga organisasyong walang kakayahang magbayad, hindi pa rin siya huminto sa pagtulong dito.

Ginagalang siya ng mga empleyado ng EDC at buo ang tiwala sa kanya. Ang pangtanggap niya sa proyekto ng pagdidisenyo ng technical school at iba pang proyekto ng EDC ng libre ay isang kabayanihang hindi madaling gawin ng sino man. Malaki kung tutuusin ang pwede niyang kitain sa mga proyektong ito ngunit sa kagustuhan niyang makatulong din sa mga beneficiaries ng proyektong ito, tinanggap niya ito ng libre. Tunay na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sapagkat isinantabi niya ang personal niyang pangangailangan para sa kapakanan ng iba. Bagamat hindi siya personal na tumutulong sa mga nakatakdang oras ng paggawa ng disenyo at pamumuno sa construction site, masaya pa rin siya dahil naging kabahagi siya nito.

Ito ang nagisilbing umpisa ng daan na maibahagi ang kanyang talento sa mga nangangailangan. Ilang lamang dito ay ang pagtulong niya sa mga mahihirap na hindi kayang magbayad ng Arkitekto para pumirma sa dokumento upang makapag-pakabit ng kuryente.

Tunay na masipag at matiyaga si Ginoong Arcuino at higit sa lahat meron siya puso na matulungan ang kanyang communidad.