Hamodi L. Tiboron (ARMM)
Video Player
Nagsimula ang adhikain ni Hams ng sumali siya sa isang programa ng mga Muslim Youth sa Northern Illinois University, sa Estados Unidos; ang Philippine Youth Leadership Program / Access to Community & Civic Enrichment for Students.
Kahit sa murang edad bilang isang student leader at Muslim Youth Leader, nababalanse ni Hamodi ang kanyang oras bilang isang estudyante at concerned Moro Youth sa kanyang lugar sa Sultan Kudarat.
Ninanais niyang maipamalas ang isang ganap na pagkakilanlan ng Moro laban sa makalumang pananaw ng isang Moro; mga mang-mang, tampalasan at mga mababagsik. Dahil dito, si Hamodi Tiboron o “Hams” ay nag nagsusumikap buksan ang saradong bangbang o channels sa pagitan ng mga Moro at Non-Moro, lalong lalo na sa Gitnang Mindanao.
Bilang isang kabataan, naipamalas na niya ang angking kakayahan na makibahagi sa panlipunang usapin, lalong lalo na sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao. Sa katunayan, kinikilala ng mga lokal na lider sa kanilang lugar ang kanyang mga munting pagsisikap.
Ang pangunahing layunin ng United Voices for Peace ay magbigay work-force sa mga relief operations sa mga evacuation centers; mag bigay ng “Alternative” peace education sa mga nasalanta ng digmaan o kalamidad lalo na ang mga bata; mag bigay suporta sa kanilang Madrasa o Islamic School; magbigay ng akmang kaalaman at edukasyon tungkol sa pagiging “good & practicing” na Muslim; at higit sa lahat, upang mag bigay daan ng isang tunay na Muslim-Christian Dialogue.
Ang Islam ay ay isang pananampalataya na nakauagat sa paniniwala ng kapayapaan o Salema sa salitang Arabic. Ang Islam ay ang pagsuko sa kalooban ni Allah at pagtalima sa kanyang mga utos. Ayon kay Hamodi, ang mabuting Muslim ay hindi tampalasan at mabagsik, sa halip ito ay mapayapa at namumuhay alinsunod sa kagustuhan ni Allah. At ito ay kanyang ginagawa.