Philbert C. Tungpalan (Region 1)


Bilang Pangulo ng Organisasyon para sa mga Taong may Kapansanan sa kanilang lugar, ginagampanan ni Philbert Tungpalan ang kanyang mga responsibilidad higit pa sa inaasahan sa kanya. Siya ang nag tiyagang mapatupad ang mga batas para sa mga taong may kapansanan upang mabigyan sila ng pantay na pagtrato. Masipag siya sa paggawa ng mga proyektong pangkabuhayan para sa mga may kapansanan. Ang mga proyekto naipatupad niya ang nakakatulong para kumita din ang mga kasamahan niya. Ngunit si Philbert ay hindi lamang naka focus sa pag tulong sa mga may kapansanan kung di maging sa mga kabataan. Pinangunahan niya ang grupo ng mga kabataan sa Laoag na ang adbokasiya ay ang pagpapamulat sa mga ito sa larangan ng socio-political situation ng ating bansa.

Nagsagawa din siya ng feeding program para sa mga nangangailangan, at hinikayat ang mga kabataan na makibahagi at tumulong na maipatupad ang proyektong ito. Bahagi nito ang pagpapamalas sa mga kabataan ng kahalagahan ng pagbabahagi ng sarili para sa kapakanan ng iba.

Para kay Philbert, ang kanyang kapansanan ay di hadlang upang higt na ibahagi sa iba. At sa kabila ng mga pangungutya at hirap na binagtas sa buhay, nanatili siyang malakas at di sumuko kailanman.