Criteria for judging: Bayaning Pilipino


1. Pakikipagkapwa-tao

  • May respeto o paggalang sa pakikitungo sa iba.
  • May pakikinig at kabukasan sa opinyon at pananaw ng iba.
  • Marunong tumanggap ng puna at pagkakamali
  • May mapayapang disposisyon.
  • May paniniwala sa pagkakapantay-pantay ng lahat (walang paghuhusga maging sa relihiyon, kulay, kasarian o lahi).

2. Sipag, Tiyaga at Tapang

  • Binubuhos ang sarili sa mga proyekto para sa kapwa.
  • May pagpupursige sa kabila ng mga hadlang.
  • May lakas ng loob (courage underfire).

3. Paglilingkod sa Mahihirap at sa Komunidad

  • May respeto o paggalang sa pakikitungo sa iba.
  • Naniniwala sa kapakanan ng nakararami.
  • Ginagalang at kinikilala ang kanyang kontribusyon sa komunidad
  • Pinagpapatuloy ang mga naumpisahang proyekto at gawain (long term consistency).

4. Katapatan at Karangalan

  • Hindi nasangkot o nasasangkot sa anomang anomalya / iskandalo.
  • Ginagampanan ang tungkulin ng isang mamamayan.
  • May pagkilala sa sariling halaga (self worth).

5. May Takot at Pag-asa sa Diyos

  • May kababaang-loob.
  • May malalim na pagtanggap sa sariling limitasyon (walang messianic complex).
  • May positibong pagtingin sa buhay; Nananatiling may pag-asa sa kabila ng krisis.