Criteria for judging: Bayaning Samahang Pilipino
1. Paglilingkod sa Mahihirap at Komunidad
- Kinakailangan na ang mga proyekto o mga programa ay patuloy na pinapatakbo.
- May magandang epekto sa kalagayan ng komunidad.
- May tinutugunang pangkasalukuyang isyu ng lipunan.
- Malakas sa mg miyembro ang “spirit of volunteerism.”
2. May Sariling Sikap at Hindi Kinakailangang Umasa sa Iba (Self- Reliant)
- Pinagyayaman ang mga nalikom na pera at iba pang resources para hindi umasa sa iba o sa mga funding agencies habang buhay.
- May tiwala sa kakayahan ng mga miyembro na magpatakbo ng samahan.
3. Katapatan at Karangalan
- Hindi nasasangkot sa anomang anomalya.
- Ginagalang at kinikilala ang kanilang kontribusyon sa komunidad.
4. Demokratikong Pamamalakad
- Kumikilos at kasangkot sa proyekto ang mga miyembro.
- Bawat miyembro ay bahagi ng malakihang desisyon ukol sa pamamalakad ng samahan.
- Pantay-pantay ang pagtingin maging sa miyembro o sa mga taga-komunidad.
